Biyernes, Setyembre 30, 2011

kahapon ....iba sa ngayon

Kahapon …iba sa ngayon

Likas sa ating pilipinong kababaihan ang mapainlang sa kapangyarihan ng ating mga asawa malaking puntos ang pagrespeto sa ating mga kabiyak upang maihanay bilang isang mabuting may bahay. Ang  pag aasikaso mula sa paggising sa asawa hanggang sa pagtulog nito ,maging sa paghahain ng pagkain pati na rin sa paglalaba ng mga malibag na naisuot nito ay isang elemento upang mabuo ang imahe sa sarili bilang isang babae. Sa konseptong ito umiikot ang kultural na paniniwala ng karamihan na ang mga babae ay lagi lamang nasa likod lamang, ang tanging kapangyarihan ay na sa paglilinis at pagluluto lamang sa loob ng bahay. Si Adan daw ang unang ginawa ng dyos at sinundan lamang ni Eba bilang tagahalili sa pangangalaga ng Kanyang likha ,dito marahil nabuo ang konseptong ang lalaki ang magdodomina sa mundo at walang karapatan ang mga babaing pangunahan ang lalaki kahit sa ano mang bagay. Diktador ang ama, ang matibay na haligi ng tahanan walang maaaring masunod kung hindi siya ,sa loob ng tahanan ang ina ay isang tahimik at mapagunawang tao.

Ngunit iba na ngayon …..

Ang babae ngayon ay nakakakuha na ng mataas ng paggalang mula sa lahat. Dahil ito sa paglutang ng likas ng kagalingan  nila sa ibat ibang larangan, nauungusan nila maging pinakamakalas  ng kalalakihan  , iba makipagsabayan ang mga kababaihang gutom sa gawaing matagal na sa kanila ay pinagkait. Patunay ditto ang mga babaing naging lider na nagpamalas ng kakaibang pamumuno ,na nagdala sa pagyakap ng paniniwalang may kakayanan din ang mga kababaihan na kayang humigit sa kakayahan ng katumbas ng kasarian, idagdag pa ang ilang kababaihang nagdala ng karangalan sa bansa gaya ng nga atleta na dati mga lalaki lamang ang nakakagawa. Tunay ngang mahaba na ang nagawang paglalakbay ng mga kababaihan, sila ang maituturing na sikretong sandata sa bawat tagumpay.

Pantay ang bawat tao, lalaki o babae….hindi masamang magtulong upang umusad ang pamumuhay…sa mga lalaking nakulong ang dating konsepto ng ang babae ay pambahay lamang ,nagyon na ang panahon para Makita at masaksihan ang kanilang kahusayan. Kaya naman sa mga lalaking nasasabihan ng ander de saya..ipagmalaki ito sapagkat sa likod nito ay isang babae na dakila.

At sa mga kababaihang takot ilantad ang kanilang tunay na damdamin ..panahon na upang tumayo at magamalaking babae ka !

tula ng ina para sa anak

Nakakatawa pa ring isipin
Na isang katulad mo ang iibigin
Yaman sa mundo hindi mo man maalay sa ‘kin
Kahit buhay ulit ulitin ikaw pa rin ang pipiliin

Pagiging ina’y matagal ng pangarap
Pagdating mo sa mundo sa damdamin kay sarap
Pagsungaw ng ngiti galing sayo ay kaligayahan
Ikaw lamang ang natatanging ina kailanman

Sa lahat ng iyong mga ginagawa
Nasa likod mo hindi magsasawa
Hindi mo man napapansin
Ito pa rin ang aking gagawin

Kahit na sa iyong pagbagsak
Wag mag alala kamay mo ay aking hawak
Hindi magsasawa at hidi mapapagod
Pagkat sayo ay masayang ngalilimgkod

Sabihin man nilang hindi ako mabuti
Nararamdaman moy unang iiintindi
Buong mundo may talikuran buong loob kong titiisin
Mawala ka sa akin, mabuti pay dyos akoy kuhain.

baklang xyz

 Ang baklang xyz

Uy !! bakla ka ba ? tara basahin mo to…ay kahit pala hindi ,basta may mata ka basahin mo !!!

“Hahahahahaha ang panget nya !!! anak ng ….. hahaha bakla ang hinayupak pare !!!! bakit ba andameng ganyan dito !!!!hindi naman sila nanganganak bat dumadame”

Masakit sa kalooban ang mapagsalitaan ng ganito ,nakakatuwa para sa iba ngunit nakakasakit ng sobra sobra…naaalala ko nga ,madalas maging tampulan ng panunukso ang mga bakla ,pano naman kasi ang klase ng pananamit,paglalakad,pagsasalita ay talagang kakaiba …kung maka kendeng sa kanto ay parang hahawiin ang mga makakasalubong nito…at kapag ka nakakakita ng mga makikisig na lalaki ay parang kinakatay na baboy kung tumili…naalala ko nga ng minsan isang bakla sa kanto ang biglabg naglulundag sa kilig habang nakatunghay sa isang lalake…sa aking pagintidi isa yung basketbol player at talagang type na type ng bading na iyon “typeness ko the !!! mabalbon !! ang sarap !!” masakit nga talaga sa pandinig ang mga nakakakilabot nilang mga usapan, at doon sila masaya.

“Teh !!! ang wafu ng lalaking itetch !!! wit ko tong pakakawalan !! yummy ang absilon !!! Portugal akong tignan !!! “

Masaya silang kasama madaldal at hindi nauubusan ng mga sinasabi…gumalaw lang ng kaunti ay tiyak na mangangawit ang panga mo kakatawa…ganyan kasaya kasama ang bakla ngunit kabaligtaran sa kanilang damdamin…malungkot…mallungkot ang pagbatikos sa maraming tao at hindi pagtanngap sa kanila oo at nakangiti pero nasasaktan at  nalulugmok…sila ang pimakamasayang malungkot….di mo na gets? Heto pa basahin mo ah…

Sangkot ang marami sa kanila sa ilang mga  mga beauty contest ,talent shows at syempre sa paglakas ng kita ng mga gay bar ,nakakatuwa mang isipin nagagawa nila ito sapagkat marami sa kanila ang nagtatagumpay sa kabila ng mga panlalait na kanilang natatanggap , oo bakla nga daw sila ngunit dahil sa pagsasanib ng babae at lalaking katauhan sa kanila ay mas lalong dumadami ang kakayahan nila…tama naman sapagkat maraming talento ang mga bakla na pambihira…sila nga itong nga imbento ng isang salita ng kung tawagin ay gay lingo kamangha mangha ito dahil nakabuo sila ng bagong wika pang kanila…idagdag din natin ang kagalingan nila sa larangan ng pagpapaganda, ang ambag na ito ang isa sa dahilan ng pagiging makulay ng mundo.

Uy hidi kita pinipilit maging bakla ah !! ang nais ko lang ipabatid ,hindi kabaklaan ang dahilan upang mang alipusta tayo ng tao…ang pagkatao ang syang dapat kinikilala hindi ang panlabas na anyo…respeto sa kapwa tao ang makapagsasabi kung ikaw talaga ay LALAKE O BABAE ..ito din ay maging sa mga tomboy o ano pang kasarian yan…paggalang ang sa bawat isa ang mahalaga…
                                                                                                                     
Kaya sa susunod na makakita ka ng bakla…asarin mo ..ay este igalang mo J

Retorika: Kultura at Isyung Pangkasarian: ang kabatt

Tula ng ina para sa anak